puwede mo lang akong sungitan kung tama ka, okay?
As in yung sure kang ako yung mali. Maiintindihan ko kung bakit mo ako susungitan kung ako yung mali sa 'tin pero alam mo, sobrang petty ng "pinagawayan" natin. Nagawa mo pa akong sungitan eh ikaw yung mali, bait bait kong kausap.
J: *mga order naming magkakapatid* tas yung drink ng isa Iced Tea.
Babaeng masungit sa counter ng Burger King: Okay, Hi-c Apple.
J: Hindi. Iced Tea.
B: Oo nga, Hi-c.
J: IceD Tea, hindi Hi-c.
B: Oo nga! Hi-c Apple.
J: Hindi nga Hi-c. Iced Tea, yung Lipton.
B: Oo nga. *alis para kumuha ng Hi-c*
J: *to other lady behind the counter* Pakisabi nga dun na ICED TEA yung order, hindi Hi-c. Kasi Hi-c yung kinukuha niya ngayon.
Other lady: Hoy *babaeng masungit sa counter ng Burger King* , Iced Tea raw hindi Hi-c!
Alam mo.
(Edit: 11:43pm) 
Ay, oo nga pala.
Tatlong beses nga pala siya nagkamali sa order namin. Buti mabait pa rin kami sa kanya na kahit kulang yung pinunch niya at sana'y libre na kami ng isang meal, sinabi ko pa rin at binayaran ko siya.
At honga pala (dahil sabi ni Christian ilagay ko), umirap nga pala siya sa bawat oo nga na sinabi niya.
Christian Bautista: umirap tas mali parin
Christian Bautista: jusko
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment